Filipino poems in the Philippines
Under the category: Tagalog na Tula
LEAKAGE
(Tula ng isang Pilipino)
May leakage na naman
Doon sa board exam
Naku may dayaan
Ano ang dahilan?
Ang ating edukasyon
Tila pera-pera ang solusyon
Puro kunsumisyon
Ang ganitong rebelasyon.
Huwag nating ipitik
Sa musmos na isip
Ganid mo’t limatik
Ilublob mo sa putik!
Kung tutuusin
Kaya naman natin
Kung sisikapin
At pipiliting abutin.
Ating ipakita
Ang galing at kaya
Kabataang pag-asa
Ng ng lugmok na bansa!
Huwag na tayong dumagdag
Sa mga paglabag
Isipin ang pag-unlad,
Hindi panghuhuwad!
Kung tunay ang dayaan,
Lintek at kawawa naman!
Ang mga patas lumaban
Umuuwing luhaan!
Kung tunay na silat
Ang resultang isiniwalat
Tamaan sana ng kidlat,
Ang nagpakabundat!
Tags: halimbawa ng malayang taludturan, malayang tula halimbawa, makabagong tula, example ng free verse na tula, example ng malayang taludturan, Philippine poetry, leakage sa school poem, student's poem, board examination poem, tula tungkol sa kabataan.