Filipino Poem Tungkol sa Kalikasan
Under the category: Tagalog na Tula
NEWS – North, East, West and South
(Tagalog na Tula)
Kahit gaanong alab ng katanghalian,
Mapapagod din,
Lulubog din,
Maglulubay din,
At hihimlay din sa KANLURAN…
At kakatalikin ang kapahingahan…
Kahit gaanong lakas ng buhos ng ulan,
Titila rin,
Hihinto rin,
Maglulubay din,
At matutuyo rin ang malagkit na kapatagan…
At maglalaho ang dilim sa KATIMUGAN…
Kahit gaanong igting ng kalakasan,
Lilisan din,
Hihina rin
Maglulubay din,
At ang tanging magagawa ay ang tumunganga…
At kaniigin ang mga uod sa HILAGA…
Kahit anong uri ng mga suliranin,
Matatapos din,
Magwawakas din,
Maglulubay din,
At ang bukas na kapalit ay muling lalaya…
At ang bagong SILANGAN ay magisimula…
Tags: Tagalog na tula, Phillipines poems, tulang taglog,