Isang Makabagong Tagalog na Tula

Isang Makabagong Tagalog na Tula

Under the Category: Tulang Tagalog

Ang Recipe ng Instik
(Halimbawa ng tula sa malayang taludturan.)

Alam mo ba kung bakit
Mayaman ang Instik
Na may-ari ng restaurant
Sa kanto ng J. Abad?

Ang pamilya nila
Gising nang maaga
At kahit pagod na,
Pilit pa ring nagtitinda.

Masarap din naman
Mga recipe ng ulam
At kahit na karaniwan
Ay magugustuhan.

Kaya ring iluto
Ng kahit sinong Filipino,
Ang pansit na gisado,
Ngunit bakit sila ang dinarayo?

Masaya kasi ang ngiti
Sa kanilang mga suki,
Iyan ang kanilang recipe
Sa pagkita ng salapi.

Sipag na totoo,
Samahan ng trabaho,
Iwasan ang luho,
Tiyak ang asenso.

Iyan ang recipe ng Chinese
Sa kanilang mga business
At kahit hirap ay labis
Sigurado ang success!

Tags: halimbawa ng tula, tagalog poems, Filipino poem, makabagong tula, malayang taludturan, Philippine poetry, tagalog poem in free verse.