tag:blogger.com,1999:blog-87307353074787396632024-03-13T20:58:16.796+08:00Tagalog na Tula | Philippine PoetryHalimbawa ng mga Tagalog na Tula sa Pilipinas | Examples of Filipino Poems in the PhilippinesAlyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.comBlogger5125tag:blogger.com,1999:blog-8730735307478739663.post-18578496569647183402011-07-05T23:32:00.000+08:002011-07-05T23:32:50.965+08:00Filipino Poem Tungkol sa KalikasanFilipino Poem Tungkol sa Kalikasan

Under the category: Tagalog na Tula

NEWS – North, East, West and South

(Tagalog na Tula)

Kahit gaanong alab ng katanghalian,

Mapapagod din,

Lulubog din,

Maglulubay din,

At hihimlay din sa KANLURAN…

At kakatalikin ang kapahingahan…

Kahit gaanong lakas ng buhos ng ulan,

Titila rin,

Hihinto rin,

Maglulubay din,

At matutuyo rin ang malagkit na kapatagan…

At maglalaho ang dilim sa KATIMUGAN…

Kahit gaanong igting ng kalakasan,

Lilisan din,

Hihina rin

Maglulubay din,

At ang tanging magagawa ay ang tumunganga…

At kaniigin ang mga uod sa HILAGA…

Kahit anong uri ng mga suliranin,

Matatapos din,

Magwawakas din,

Maglulubay din,

At ang bukas na kapalit ay muling lalaya…

At ang bagong SILANGAN ay magisimula…

Tags: Tagalog na tula, Phillipines poems, tulang taglog,Alyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8730735307478739663.post-66217960580742622482011-07-05T23:11:00.000+08:002011-07-05T23:11:55.948+08:00Tula Tungkol sa Bansang PilipinasTula Tungkol sa Bansang Pilipinas

Under the category: Halimbawa ng Tagalog na Tula

LINTEK NA POLITICS

(Pilipino na Tula)

Dagdag na suweldo ang gusto

Ng mga gutom na obrero…

Pero!

Teka muna kabayan,

Kurakot muna sa kaban!

Proyekto ng pabahay

Ng squatter sa tulay…

Hintay!

Liwaliw na muna

Doon, dito sa America!

Buwis ng mamamayan,

Para sa baku-bakong daan…

Sandali lang!

Nagpapabili si Misis

Ng brilyanteng may kilatis

Budget para sa paaralan,

Libro at upuan…

Huwag maingay!

Nagpapabili din si Kabit

Ng kuwintas at ng bracelet!

Tags: halimbawa ng malayang taludturan tula, kapaligiran ng tula, magbigay ng isang tula na halimbawa ng malayang taludturan, filipino poems in the philippines, tagalog poems about politics, comedy tula, funny na tula, tungkol sa politika. pulitika.Alyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8730735307478739663.post-51669228397901247062011-07-05T22:39:00.000+08:002011-07-05T22:39:08.125+08:00Mga Tulang Tagalog sa PilipinasFilipino poems in the Philippines

Under the category: Tagalog na Tula

LEAKAGE

(Tula ng isang Pilipino)

May leakage na naman

Doon sa board exam

Naku may dayaan

Ano ang dahilan?

Ang ating edukasyon

Tila pera-pera ang solusyon

Puro kunsumisyon

Ang ganitong rebelasyon.

Huwag nating ipitik

Sa musmos na isip

Ganid mo’t limatik

Ilublob mo sa putik!

Kung tutuusin

Kaya naman natin

Kung sisikapin

At pipiliting abutin.

Ating ipakita

Ang galing at kaya

Kabataang pag-asa

Ng ng lugmok na bansa!

Huwag na tayong dumagdag

Sa mga paglabag

Isipin ang pag-unlad,

Hindi panghuhuwad!

Kung tunay ang dayaan,

Lintek at kawawa naman!

Ang mga patas lumaban

Umuuwing luhaan!

Kung tunay na silat

Ang resultang isiniwalat

Tamaan sana ng kidlat,

Ang nagpakabundat!

Tags: halimbawa ng malayang taludturan, malayang tula halimbawa, makabagong tula, example ng free verse na tula, example ng malayang taludturan, Philippine poetry, leakage sa school poem, student's poem, board examination poem, tula tungkol sa kabataan.Alyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8730735307478739663.post-1603102073920615182011-07-05T22:24:00.000+08:002011-07-05T22:24:46.367+08:00Isang Makabagong Tagalog na TulaIsang Makabagong Tagalog na Tula

Under the Category: Tulang Tagalog

Ang Recipe ng Instik

(Halimbawa ng tula sa malayang taludturan.)

Alam mo ba kung bakit

Mayaman ang Instik

Na may-ari ng restaurant

Sa kanto ng J. Abad?

Ang pamilya nila

Gising nang maaga

At kahit pagod na,

Pilit pa ring nagtitinda.

Masarap din naman

Mga recipe ng ulam

At kahit na karaniwan

Ay magugustuhan.

Kaya ring iluto

Ng kahit sinong Filipino,

Ang pansit na gisado,

Ngunit bakit sila ang dinarayo?

Masaya kasi ang ngiti

Sa kanilang mga suki,

Iyan ang kanilang recipe

Sa pagkita ng salapi.

Sipag na totoo,

Samahan ng trabaho,

Iwasan ang luho,

Tiyak ang asenso.

Iyan ang recipe ng Chinese

Sa kanilang mga business

At kahit hirap ay labis

Sigurado ang success!

Tags: halimbawa ng tula, tagalog poems, Filipino poem, makabagong tula, malayang taludturan, Philippine poetry, tagalog poem in free verse.Alyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-8730735307478739663.post-20495991997778983152011-07-05T21:05:00.000+08:002011-07-05T21:05:30.262+08:00Halimbawa ng Tagalog na TulaHalimbawa ng Tagalog na Tula

NARITO KANG NAKANGITI

(Example of published Filipino poem in the Philippines)

Under the category: Philippine Poetry

Narito kang nakangiti,

Magandang tala sa gabi,

Namukod kang tumatangi,

Sa tumpok ng binibini.

Ang buhok mong may pantali

Ang pandugtong ko sa pisi,

Ng buhay kong umiiksi

Na pigtas ding dumadali.

Ang matang may pagkalipi

Walang muwang ng aglahi

Ang tulay kong tinatangi

Tinawid kong mabusisi.

Ang pula ng mga pisngi,

Ginagawa kong pansindi

Sa ilawang nangapundi

Sa anag-ag nitong gabi.

Ang ilong mo ang panghabi

Sa pangarap at lunggati,

Na tila nga bumubuti

Sa tamlay ng mga huni.

Tainga naman ang susi,

Sa saradong mga muni

Binubuksan mo ang saksi,

Na makita ang sarili.

Ang labi mo ang kiliti,

Sa luha ko at pighati,

Halakhak din sa humikbi

Na galak na bumabati.

Sa dungis ko’t mga dumi

Ang balat mo ang pangwaksi

At saka nagpapaputi

Sa kutim nitong pusali.

Ang puso mo ang panlapi

Sa hinga ko ay kasapi,

Na lagi nang pumipiksi,

Sa iglap na lumiliksi!

Tags: halimbawa ng mga tula sa tagalog, Filipino poems, Philippine poetry, 8 pantig sa bawat taludtod, tula in tagalog, saknong kahulugan, tagalog love poems, maikling tula sa Pilipinas, tula tungkol sa pag-ibig.Alyn Altamohttp://www.blogger.com/profile/02144779319878010583noreply@blogger.com